top of page

Gin Kings pinataob ang Beermen

Ipinalasap ng Barangay Ginebra Gin Kings ang bagsik ng “Never Say Die” nang magpakawala si Japeth Aguilar ng bumubulusok na buzzer beater jumper upang maungusan ang San Miguel Beermen at maipanalo ang pangatlong laban, 97-96 sa Best of 5 Semi-Finals ng Oppo Philippine Basketball Association Governor’s Cup na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, Setyembre 30.

Nanguna na sa kartada ang Gin Kings, 2-1 at isa nalang na panalo ang kailangan upang makapasok silang muli sa Finals pagkatapos ng tatlong taong hindi pagkakapasok.

Pinilit kumawala ng Beermen sa huling quarter subalit hindi ito hinayaan ng Gin Kings nang magpakawala sila ng mga nag-aapoy na pagbuslo sa pangunguna ni Scottie Thompson na itinanghal din na unang rookie player na gumawa ng double triple, 12 puntos, 11 rebounds at 10 assists at ipanalo ang laro, 97-96.

Sa first half, dikdikan ang labanan ng dalawang koponan nang parehong magpakawala ng mga naglalagablab na 3 point shots at lumamang pa ang Beermen sa pangunguna ng kanilang import na si Elijah Millsap na kumamada ng 24 puntos, 55-51.

Naitala ang kartadang 29-28, 51-55, 78-77 at 97-96. Samantala, gaganapin ang ikaapat na laro sa Smart Araneta Coliseum sa Oktubre 2, Linggo.

Latest News
Recent Posts
Feature Articles

November 16, 2016

This Love

By Mykhael Tyrone Ceralde

Love, that makes me feel like I'm in the paradise,

Love, that makes us all sacrifice,

How could I be happy?

If this love is banned by Mommy?

Please reload

Opinion

October 13, 2016

Kailan Pa Naging Group Work ang Trabaho ng Isa?

Ni Angela Kate Estrada

Ano na mga beh? Heto at nalalapit na nga ang pagtatapos ng unang semestre at siguradong tambak na naman ang lahat ng gawain.

            Group works. Isa iyan sa mga paboritong ipagawa ng mga guro sa atin, hindi ba? Sabi kasi nila, mas madali raw ito at mas mabilis gawin. Oo....

Please reload

Sports News

November 16, 2016

Victory at Its Finest

By Samantha Claire Abulencia

      As thousands of problems are hitting the country, athletes are giving millions of hopes and cheers as they give pride and glory to our beloved archipelago. The unending bagging of medals and bringing home

Please reload

bottom of page