Pampahaba ng Buhay
Marahil pansit ang unang pumasok sa iyong isipan nang mabasa mo ang pamagat pero di ito tungkol sa mga klase ng pansit o kung anong luto ng pansit ang masharap. Ito na mga bes ang pampahaba ng buhay wag lang atat para hindi maagang mangurat hahahaha bes may proseso kasi yun, parang sa love dapat di minamadali kung ayaw mong sa huli magsisi. Ito na, sisimulan ko na para masimulan na din ang paghaba ng iyong buhay.
Ang first step ay wag kang magdrudrugs kung ayaw mong maging sikat yang mukha mo sa ABS-CBN at GMA na may kasamang "Wag tularan". Wag ganern.
Ang pangalawa naman ay wag kang maninigarilyo. Pag gusto mo ng mategi wag ka nang mandamay utang na loob. Ay agi! Lalo na dun sa mga driver jan na may pakara-karatula pa ng "No Smoking" don't me manong. Sa bawat stick binabawasan mo buhay mo.
Ang pangatlo naman ay alagaan mo buhay mo. Lablayp mo nga sobra sa alaga para lang matuloy na yang forever niyo tapos buhay mo hinahayaan mo lang. Pag may sakit ka o may dinadamdam ka, wag mong hayaan at balewalain mashaket yun b3h parang ung mga taong nagmamahal sayo, wag na wag mong binabalewala yang mga yan kung ayaw mong mawalan sa huli.
Speaking of huli, ito na ung huli as in last. Lahat naman kasi ng bagay may hangganan. Parang yung pagmamahal niya may hangganan talaga, dinaig pa nga ung isang kisap mata sa bilis ng pagbago ng feelings niya eh aray ko b3h. Anyways, ung huling payo ko is enjoy every moment of your life. Wag kang magsasayang. Wag mong sayangin tulad ng ginawang pagsayang sayo ng ex mo. Tawanan mo nalang lahat ng hindi naniniwala sayo, lahat ng nagdodown sayo, lahat ng nanakit sa sayo at sa puso mo, kahit bungal ka pake ba nila your happiness depends to you. Ung mga problema mo, ipagdasal mo lang siguradong tutulungan ka Niya. Ung mga mababang grades mo, tataas pa yan wag ka lang mawalan ng pag-asa at sipag lang solve na yan. Kaya mo naman, takot or tamad ka lang talagang subukan ang isang bagay. Tsaka bes wag kang nega, always think positive! Ngiti ka lang libre naman walang pumipigil din sayo.
Pero kahit anong mangyari, lahat ay may katapusan. Pasalamat ka nalang na isa ka dun sa mga masweswerteng tao dito sa mundo na humihinga pa hanggang ngayon.