top of page

Si Bes, bow

Isa lang siyang Nobody. Kumbaga sa gay linggo, chaka bes! Pandak, pwede nang manungkit ng kamatis. Kung isa siyang tsokolate, isa siyang dark chocolate. Ang noo, naku, Ninoy Aquino International Airport. Mga biyas na parang upo, tadtad ng bentsingko. Ang amoy, malakas pa sa Piccolo. Ang buhok, daig pa ang kay Pedro Penduko. Kung gusto niya pang mabuhay, aba huwag na siyang yumuko.

Hindi ba talaga siya maganda? O baka ikaw lang 'tong mapanghusga? Hindi man siya nabiyayaan ng tangkad, taglay niya naman ang pusong malawak. Naaalala mo ba nung wala kang papel, kanino ka humingi? Naks, naka-iPhone, pad paper walang pambili? Hindi siyang kasing puti ng balat mo, pero ang kaniyang kalooban walang wala sa glutang gamit mo. Tanda mo nung 'di ka nag-review? Sinong naawa sayo, yun bang kisameng laging tinititigan mo?

Ano bang meron sa mga piso at bentsingko sa hita? Baka dala ng araw-araw na pangunguha ng panggatong. Samantalang ikaw kung gumasta, parang napupulot ang datung. Eh ang malaking braso? Baka resulta ng pagbubuhat ng baldeng sandamakmak. Samantalang ikaw kung mag-inarte, pak na pak. Yung amoy? Baka dahil sa babad na araw na trabaho. Samantalang yang labi mo, putok na putok.

Ngayon, kumusta ka bes? Sino ang dapat purihin? Sino ang dapat laitin?


Latest News
Recent Posts
Feature Articles

November 16, 2016

This Love

By Mykhael Tyrone Ceralde

Love, that makes me feel like I'm in the paradise,

Love, that makes us all sacrifice,

How could I be happy?

If this love is banned by Mommy?

Please reload

Opinion

October 13, 2016

Kailan Pa Naging Group Work ang Trabaho ng Isa?

Ni Angela Kate Estrada

Ano na mga beh? Heto at nalalapit na nga ang pagtatapos ng unang semestre at siguradong tambak na naman ang lahat ng gawain.

            Group works. Isa iyan sa mga paboritong ipagawa ng mga guro sa atin, hindi ba? Sabi kasi nila, mas madali raw ito at mas mabilis gawin. Oo....

Please reload

Sports News

November 16, 2016

Victory at Its Finest

By Samantha Claire Abulencia

      As thousands of problems are hitting the country, athletes are giving millions of hopes and cheers as they give pride and glory to our beloved archipelago. The unending bagging of medals and bringing home

Please reload

bottom of page