Red Lions nabawi ang kampeonato kontra Chiefs
Muling naghari ang San Beda College Red Lions sa larangan ng basketbol nang dominahin nila ang Arellano University Chiefs gamit ang kanilang mga malakidlat na placing shots at naglalagablab na 3 point shots at maipanalo ang laban, 83-73, sa ginanap na finals ng National College Athletic Association Season 92 sa Mall of Asia Arena.
Ito na ang ika-20 na kampeonato ng San Beda sa kasaysayan ng basketbol sa NCAA.
Gitgitan ang labanan ng dalawang koponan sa huling bahagi ng laro nang magpalitan ang mga ito ng mga nag-aapoy na pagbuslo ngunit ipinamalas ng Red Lions ang kanilang bangis nang magpakawala ng dalawang umaatikabong 3 point shots sa huling ikapito at 5:30 minuto at maipasok ang huling naglalagablab na tres sa huling 1:48 ng laban si Davon Potts at maibigay sa Red Lions ang kalamangan at ang kampeonato, 83-73.
Lumamang ang Chiefs sa unang quarter ng laban nang magpaulan sila ng mga nagbabagang baseline jumpers sa pangunguna ni Jio Jalalon na kumamada ng 19 puntos ngunit kinalauna’y nagpakitang gilas ang Red Lions upang maagaw ang kalamangan sa Chiefs sa ikalawang quarter, 45-40.
“Coming from a heartbreaking loss last year and winning it this year for your alma mater, it really feels good to win,” pahayag ni Jamike Jarin, head coach ng Red Lions.
Samantala, naitalaga ang kartadang 18-25, 45-40, 63-60, 83-73.