‘Di masukliang Pag-ibig
- Ni Valour John Aguilar
- Oct 13, 2016
- 1 min read
Binigyan mo ng himig
Pusong balot ng lamig
ngunit di masabi ng bibig
na ika'y aking iniibig
Pero galak ay nasa tuktok
Pag ako'y pinansin sa sulok
Sana sa puso mo'y makapasok
Lungkot ko'y lagyan ng tuldok
Dibdib ko'y kumakabog
Nagmumukang hambog
Sapagkat sayo'y nahulog
Damdamin koy handa ng ihandog
At kung nais ay laya
Tanggapin yaong paanyaya
Na sana'y ika'y sumaya
sa ibibigay kong biyaya
Ang aking kinatatakot
Kung may iba pang sumangkot
Baka puso mo'y madukot
Maging labis yaong lungkot
Maging alay na bulaklak
Ay mawalan na ng halimuyak
Aki'y pagmamahal na payak
Di mo sadyang mayurak
Comments