top of page

Kailan Pa Naging Group Work ang Trabaho ng Isa?

Ano na mga beh? Heto at nalalapit na nga ang pagtatapos ng unang semestre at siguradong tambak na naman ang lahat ng gawain.

Group works. Isa iyan sa mga paboritong ipagawa ng mga guro sa atin, hindi ba? Sabi kasi nila, mas madali raw ito at mas mabilis gawin. Oo. Tama sila, ngunit ‘yun ay kung may “pagkakaisa.” Aminin man natin o hindi, lahat tayo ay dumaan na sa sitwasyong ito: Group work pero si Lider lang ang gumawa. Napakagaling di ba? Bakit ka pa nga naman magtatrabaho kung alam mong tinatrabaho na nila? Bakit ka pa tutulong kung sa huli, pareparehas lang naman kayo ng marka? Bakit kailangan pang makiisa, kung kaya naman nang gawin ng isa? Bakit nga ba?

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Carnegie Mellon University sa Estados Unidos, isa sa mga pagsubok sa pangkatang gawain ang motivation cost. Ito ay tumutukoy sa malawakang epekto sa motibasyon ng mga mag-aaral sa pag-gawa ng pangkatang gawain. Halimbawa ang Free riding-na tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng gawain ay naipapasa sa mga mas masisipag na miyembro o kaya sa lider na lamang; sa wikang iyong maiiintindihan, HAYAHAY! Base sa iba pang pag-aaral, kadalasan itong nararanasan sapagkat maging noon pa man, may mga tradisyon at kultura na ang mga tao na umasa lamang sa kanilang pinuno. Sumatutal, isa lamang ang dahilan… ito ay mas MADALI.

Oo, iba’t iba tayo ng antas ng kasipagan at kakayahan ngunit hindi ito sapat na dahilan upang hayaan nalang ang lider na gumawa ng lahat. Naisip mo ba ni minsan na tulad mo rin siya? Isa lang rin siyang mag-aaral tulad mo na gustong gusto nang mag-sembreak. Kasi kung pagod ka na sa lagay na yan, edi lalo naman siya. Siya na araw- araw at gabi-gabing naghihirap para lang buhatin yung buong grupo niyo dahil ang grade ng isa ay grade na ng lahat. Napupuyat rin siya tulad mo kaso siya, nagtatrabaho samantalang ikaw puro Facebook, Snapchat, Twitter, Instagram. Tao rin siya at kailangan niya rin ng kasiyahan sa buhay niya pero pinipili pa rin niyang gawin ‘yung trabahong sana lahat kayo ay gumagawa.

Mabilis na lumilipas ang panahon at maya-maya, di mo namamalayan na deadline na pala. Magpapanic ka at tatanungin mo sa lider niyo kung kamusta na, kung tapos na ba niya? Ang kapal! Kung sino pa yung walang ginawa, siya pa ‘yung may lakas ng loob magtanong tungkol sa “group work” na yan. Tapos pag pangit ang kinalabasan, simula na ng sisihan. Kapag tinanong kayo ng titser kung sino lider ninyo, aba! Lahat ng kamay nakaturo sa kanya. Hindi na kayo nahiya!

Hindi ako pumapanig sa mga lider. Hindi ko rin sinasabi na mas magagaling sila. Hindi ko rin naman kayo sinisisi dahil baka naman may dahilan rin kayo na hindi ko pa alam. Wala akong pinasasaringan dahil maging ako ay naranasan nang maging lider at isang kagrupong nakatunganga lang. Ang batid ko lamang ipaunawa sa lahat, ay pilitin pa rin makiisa. Kaya nga po tinawag na “group” work hindi ba? Dahil kailangang buong grupo ang gagawa. No ifs and buts. No excuses. Tungkulin natin iyon bilang isang mag-aaral. Isang responsibilidad na hindi tinatalikuran ngunit kung hindi mo pa rin ito maunawaan, good luck na lang sayo at sa grades mo. Pagisipan mo iyang mabuti ha?


Latest News
Recent Posts
Feature Articles

November 16, 2016

This Love

By Mykhael Tyrone Ceralde

Love, that makes me feel like I'm in the paradise,

Love, that makes us all sacrifice,

How could I be happy?

If this love is banned by Mommy?

Please reload

Opinion

October 13, 2016

Kailan Pa Naging Group Work ang Trabaho ng Isa?

Ni Angela Kate Estrada

Ano na mga beh? Heto at nalalapit na nga ang pagtatapos ng unang semestre at siguradong tambak na naman ang lahat ng gawain.

            Group works. Isa iyan sa mga paboritong ipagawa ng mga guro sa atin, hindi ba? Sabi kasi nila, mas madali raw ito at mas mabilis gawin. Oo....

Please reload

Sports News

November 16, 2016

Victory at Its Finest

By Samantha Claire Abulencia

      As thousands of problems are hitting the country, athletes are giving millions of hopes and cheers as they give pride and glory to our beloved archipelago. The unending bagging of medals and bringing home

Please reload

bottom of page