Pen Pineapple Apple Pen, ang Gangnam Style ng Japan
![](https://static.wixstatic.com/media/ca2808_840b4b5dfef04e3e8186c114b523b7ce~mv2.png/v1/fill/w_780,h_520,al_c,q_90,enc_auto/ca2808_840b4b5dfef04e3e8186c114b523b7ce~mv2.png)
Kinagigiliwan ngayon sa social media at maging sa buong kampus ng Phinma-University of Pangasinan ang nakakaaliw at nakakaindak na kantang Pen Pineapple Apple Pen. Dahil sa taglay nitong upbeat, hindi nakapagtataka na marami ang natutuwa at agad nakakasabay sa lyrics. At ayon sa straitimes.com, ang kantang ito ang susunod sa yapak ng Gangnam Style na isa ring malaking hit.
Ang Pen Pineapple Apple Pen ay isang Japanese earworm-style music video na itinanghal ni Piko-Taro. Si Piko Taro ay isang fictional singer-songwriter na ginawa ni Kosaka Daimaou, isang Japanese comedian. Napansin ito ng nakararami matapos iupload ng 9GAG ang video sa Facebook na kung saan ito ay umani ng 59 Million Views ngunit ang orihinal na video ng Pen-Pineapple-Apple-Pen ay inupload noong Agosto 25, 2016 sa YouTube at ngayon ay halos umabot na ito sa 21.5 Million Views at maging ang singer na si Justin Bieber na isang sikat na singer ay ishinare din ang video sa kanyang twitter account at binigyan ng caption na “favourite video on the Internet”.
Ngunit dito sa Pilipinas, binigyan ang Pen-Pineapple-Apple-Pen ng isang bagong twist, Pen Pineapple Apple Pen Hugot! I have a crush, I’m just a friend— Friendone! Ikaw, anong hugot mo sa Pen Pineapple Apple Pen?