top of page

Darating at Aalis

  • By Gracia Dela Cruz
  • Nov 17, 2016
  • 1 min read

Ulan na biglang pumapatak ‘Di ko alam kung saan nagbuhat Galing ka nga ba sa dagat? O di kaya'y iyak ng langit

Ulan, ulan, sa iyong pagdating Pagtulog ko'y naging mahimbing Maingay man ang bawat patak sa yero Ako'y nagagalak na ika'y pumaparito

Sa bawat oras na ayoko ng mga tinig Mga maingay na tinig mula sa aking paligid Sa mga oras na gusto ko ng kasabay Kasabay sa aking pagtangis at lumbay

Ulan, ika'y maituturing na biyaya Lalo na sa tanim ng mga magsasaka Ngunit wag kang masyadong padadala Alalahanin ang iyong mapipinsala.

Tanging hiling, ‘di sana siya katulad ng ulan Na dumating nang bigla-biglaan Aalis ng wala man lang paalam At babalik kung kailan man niya nanaisin.


Comments


Latest News
Recent Posts
Feature Articles

November 16, 2016

This Love

By Mykhael Tyrone Ceralde

Love, that makes me feel like I'm in the paradise,

Love, that makes us all sacrifice,

How could I be happy?

If this love is banned by Mommy?

Please reload

Opinion

October 13, 2016

Kailan Pa Naging Group Work ang Trabaho ng Isa?

Ni Angela Kate Estrada

Ano na mga beh? Heto at nalalapit na nga ang pagtatapos ng unang semestre at siguradong tambak na naman ang lahat ng gawain.

            Group works. Isa iyan sa mga paboritong ipagawa ng mga guro sa atin, hindi ba? Sabi kasi nila, mas madali raw ito at mas mabilis gawin. Oo....

Please reload

Sports News

November 16, 2016

Victory at Its Finest

By Samantha Claire Abulencia

      As thousands of problems are hitting the country, athletes are giving millions of hopes and cheers as they give pride and glory to our beloved archipelago. The unending bagging of medals and bringing home

Please reload

bottom of page