Peacock Spider
Napakarami taong ang natatakot sa gagamba. May iba’t ibang uri ng gagamba- narito ang Phoneutria ang pinaka nakalalason na gagamba sa mundo ayon sa Guinness World Records, ang Solifugae naman ay isang order ng class arachnida, na maihahalintulad sa mga alakdan. Marahil naitatak na sa mga tao ang mga uri ng gagamba ng nakamamatay kayat pinangingilagan ang mga ito.
Ngunit sa di alam ng karamihan ay may uri ng mga gagamba na sadyang nakakaaliw at tiyak na kagigiliwang panuorin, ito ang Peacock spider na unang natagpuan ni Jürgen Otto isang scientist sa Sydney. Ang nasabing gagamba ay may sukat lamang ng ilang millimeters, ibig sabihin ay maari itong magkasya sa kuko ng hinliit ng isang tao. Maihahalintulad rin ang ugali nito sa mga pusa at aso. Naging kakaiba ito dahil narin sa iba’t ibang kulay ng kanyang katawan na karaniwan ay may disenyong iridescent. Na kuha rin nito ang pansin ng mga ibang scientist dahil narin sa kakaibang paggalaw nito, kung saan ay itnataas nito ang pwetan o hita nito at iginagalaw ng mabilis.
Sa ngayon ay may limang species na nadiskubre si Jürgen Otto na kabilang sa uri ng Peacock spider. Napansin niya rin na nagtataglay ang mga ito ng katangian ng Maratus genus, na nabibilang sa family Salticidae o family of jumping spider. Naniniwala si Otto na may 48 species pa ng Peacock Spider sa Maratus Genus na matatagpuan sa Australia.
photo from interenet